Posts

Showing posts from October, 2007

Ladawan

No matmatanna ti naikuadro a ladawan Dawisen pika ‘toy barukong, ay, agramaram Ti sabidong iti utek, agnunog ti aliaw; Maitanem iti rengngat dagiti linnaaw. Ti agekna kas iti panaglantip ti sabangan, Agdalluyon ti pus-ong ngem malmesak iti lua Mabekkelak iti nakipet a kasipngetan Iti panangappupona’t bibig ken mata. Kadagiti rimatna, pagsarmingan ti rupa Ta imbirngasnan ti angesna iti lamina; Awanan maris no agsampaga ti rosas Maidarekdek dagiti siit a kas rehas. Agkararagak no matmatanna ti ladawan A tagainep laeng, rupak maanninawan. NaiRimat, Disiembre 2004 N.B. Tapno laeng met adda maiposte, hehe, pagin-inanaan. Soneto a babassit-- tapno adda met maibaga a daniw a naiporma. Kasla inspirado iti kanta ti The Bread a "Diary", wahaha!

Anglem

Kailangan kong matupok nang palayasin ng aking usok Ang mga kaluluwang madalas manindak sa mga ulap Na aakap sana sa aming palayan; magluluwal sa mga bukal. Hindi ka anglem bagkus isang laman; isa kang kalipunan Ng libog, nasa at kapangyarihan na hinahangad din naman Ng espiritung kinatatakutan mo, kantiyaw sa aking panaginip. Ako ay basahan; at balahibo, madaling mapariwara sa buhawi O kahit sa simoy lamang na sumasayaw sa ibabaw ng talahib At kasing-anghang ako ng siling-labuyo sa angas ng ninanais. Isa kang magsasaka at ang diwa mo ay kayumanggi, kaugnay Ng lupang umiinog lamang sa putik at tigkal, at makabuluhan Lamang kung nagnanasang sumibol ang binhi sa sinapupunan. Walang paring magsasaboy sa iyong usok sa altar, pulpito, Tabernakulo sapagkat nalalamang hindi ka magniningning Sa langit— nanaisin mong magbalik sa pinagmulang lupa. Ako nga ay lupa— at ang usok ay kaluluwang pag-aari ng ulap, Kaisa ang liwanag na inaaalay sa takipsilim at ihahabilin ng gabi Sa mga dahon, talulot a...