Posts

Showing posts with the label pag-iimpok

Darudar

Image
Paumanhin lamang ang kailangan ng buwan at naiintindihan Na walang kaning maiaalay ngayong nakadilat ito sa mesang Ang pinagsasaluan ay asin at luha at pangako ng amang susundan Ang mga ugaw na nagnakaw sa bigas at palay. Mapapailing kami. Papaano niya mahuhuli ang mga anitong nagkukubli sa bahaghari? Maaari, madadatnan niya sa telebisyon, dyaryo, radyo o simbahan Ang pagrarasyon ng mga alipin ng pamahalaan subalit namarkahan na Ng republika ang pag-aari niya at kawanggawa na para sa mga dukha. Madalas, paulit-ulit naming isinasangguni ang paghahagis ng laon Sa mga sulok-sulok, gilid-gilid, ila-ilalim na pinagkukublihan nila Sapagkat malulusaw silang tamaan ng bigas na kinupkop ng panahon. O kaya, huwag ipagkatiwala ang pagbibigay halaga at kabuluhan sa ani Sa mga alipin o panginoon ng numero at pilak. Nagiging hunyango kasi Ang ugaw at ang pangunahing kakayahan ay gumawa, magkumpuni At magsuot ng maskara. Gaya ng pag-iimbak namin kahit sa tag-araw At kasaganaan, minaliit ang kakayaha...