Posts

Showing posts with the label timpuyog

Ipagdiriwang ng NCCA ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubo sa pamamagitan ng Dayaw Festival: Buwan ng mga Katutubo 2010

Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo nitong Oktubre, ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining o National Commission for Culture and the Arts ang siyang mamumuno sa pagdadaos ng Dayaw Festival: Indigenous People’s Month 2010 sa Maynila. Ang pagdiriwang ay pasisimunuan ng NCCA Subcommission on Cultural Communities and Traditional Arts (SCCTA) at Ugnayang Pang-Aghamtao, Inc. (UGAT) sa pakikipagtulungan ng ilang ahensiya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan. Ang pagdiriwang ay naglalayong tipunin ang mga grupong etnolingwistiko sa bansa para makilahok sa palitang kultural at pagtatanghal na nagtatampok sa mga makabuluhang uri ng pamumuhay ng mga katutubo sa lahat ng aspeto ng kultura at tradisyon. Ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation 1906 na nagtatadhana sa buwan ng Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubo. Sa loob ng tatlong taong nakalipas, ipinagdidiwang na ng NCCA ang Indigenous People’s Month sa mga pangunahing rehiyon ng bansa. Noong 2007, sinuportahan nito ang...