Posts

Showing posts with the label pag-ibig

KAY HANITA

Image
DAHIL WALA AKONG PAMBILI NG RED ROSES ESPERMA Agpadata a ganggannaet iti siled A napno iti nagduduma a lawag Di ammo no simrekan Di ammo no rummuaran Ket nagsarak dagiti dakulapta Barukong iti barukong, mata iti mata Nasursuro nga agsala dagiti dapan Nasursuro ti agkatawa iti nasarangsang Nangisuksokka iti balisong Iti bakrangko: an-anib Tapno situtured a sanguen Ti pungtot ken abaken ti buteng Idi nagdalapdapen ti sipnget Ken nagnadnaden ti riaw ken katkatawa Nagtulagta a mangsindi Iti nalukmeg a puraw nga esperma. KANDILA Kapwa tayo dayuhan sa silid Na puno ng iba't ibang liwanag Di alam kung saan pumasok Di alam kung saan lalabas At nagtagpo ang ating mga palad Dibdib sa dibdib, mata sa mata Natutong sumayaw ang mga paa Natutong tumawa ng malutong May isinukbit kang balisong Sa aking tagiliran: agimat Upang matapang na suungin Ang galit at lipulin ang takot Nang magdilim at humupa Ang hiyawan at halakhakan Nagkasundo tayong magsisindi Ng malaking puting kandila. ast, 020811 (hi...

singko: para kay hanita

(wala mang mga bituin, di naman duling) ayan, nakarating na tayo sa 5, bawas-bawasan na ang fight ang iyong kapeng barako ay ilabas, nang maisawsaw ang aking patupat* nawa’y di tumirik sa 15, ‘yan ang aking dalangin tiyak ako’y mabibitin, kawawa ang unan sa akin o kaya ‘wag namang sumagad sa 25, baka ang natitira kong angas ala, e, maipandasal sa mga santo ng mindoro at batangas kapag bumalandra sa 35, ako ang sisisihin mo kaagad dahil tiyak sa ulong matigas, kolesterol at alak ang bumanat ang pagtuntong sa 45, pagdiriwang na walang katumbas retirado na ako niyan, may panahong mag-bihasa sa sining ng paghimas di na ako mangangarap sa 55, di dahil sa reuma ako’y umaatras malamang sa akin ang iyo nang tawag: ‘pare’ imbes na lab *kakaning malagkit ng mga ilokano na hugis tatsulok na bilugan ARIEL S. TABAG