NITONG Sabado, Hulio 31, naghatid kami ng isang kamag-anak sa may Sampaloc pauwing Cagayan, nina Hani at Saniata. (As usual, naiwan sa bahay si Anib at naglaro nang naglaro ng Plants & Zombies.) Pagkatapos nito, napagpasyahan naming pupunta muna ang aking mag-ina sa SM North, habang papapasok ako sa opisina. Half-day ako tuwing Sabado kaya’t hihintayin nila ako doon at sabay na kaming uuwi. Nang nasa opisina na ako, tinawagan ako ng aking mag-ina at nalaman kong napakadami daw tao. “Marami ding mabibili,” ‘ka ko dahil naalala kong nasa kalagitnaan ng tatlong araw ng 70% sale ang naturang SM branch. Ang dami nga daw itinuturo ni Saniata. Ito namang si Hani, kung anu-anong dahilan. Pagka-baba ng telepono, nagtrabaho na ako. Paminsan-minsan, tineteks ko ang aking mag-ina para kumustahin. Hanggang umuwi na rin ako. Para hindi na maantala, napagkasunduan naming mag-aantay na sila sa may harapan ng Trinoma. Nasa dyip na kami nang magkuwento si Hani. Pagkatapos daw nilang halos malibot an...