Posts

Showing posts from January, 2013

The Next Big Thing-A Chain Letter for Writers

Dalawang linggo na yata ang nakalilipas (tagal na pala) mula nang makatanggap ako ng private message sa FB mula kay Bebang Siy, ang awtor ng It’s A Mens World. May pinasasagutang set of questions tungkol sa nasulat at/o susulatin pang libro. Tapos ipapasa ko rin daw sa limang kakilala kong awtor. Pumayag ako kasi nakakahiya namang tanggihan ang mga kapwa manunulat lalo pa’t magkasama kami sa UP Workshop at siyempre naman, ang sikat-sikat na ni Manang Bebang, ang kapal naman ng mukha ko kung tatanggi pa ako. (Siya nga pala, “manang” ang tawag ko sa kaniya mula noong malaman kong Ilokana ang kaniyang nanay, at tinatawag naman akong “adding”; ang “manang” ay ate sa aming mga Ilokano at ang “ading” ay tawag sa mas nakababata; nakakatuwa kasi mas matandan ako kay Manang Bebang.) Noong sinabi niyang kailangan kong i-post ito sa aking blog, naalala ko na kaya pala niya tinanong minsan kung may blog ako. Sabi ni Manang Bebang, mamimili ako kung 'yung nailabas ko nang libro o 'yung i