da-lá-gan
dalagan (da-lá-gan) png: katre para sa bagong panganak; agdalágan pnd: pagpapalakas ng isang bagong panganak na babae Sa mga Ilokano, hindi ginagamit— madalang, kung gamitin man— ang salitang “bagong panganak” o “kapapanganak” (kaippasngay; kayyanak), dahil may mga nalilito kung ang sanggol ba o ang nanganak ang tinutukoy. Sa halip, ginagamit ang salitang ‘agdalagan’ para tukuyin ang bagong panganak na misis. May mga insidente na kapag ang Ilokano ang nakikipag-usap sa isang Tagalog at maririnig ang “bagong panganak”, malilito siya kung alin itong tinutukoy, kung ang misis ba na nanganak o ang sanggol na ipinanganak. Sa madaling sabi, maliwanag lamang sa isipan ng isang Ilokano na ang misis ang tinutukoy kung tinawag itong agdalagan. Ang agdalagan ay pagpapalakas ng bagong panganak sa isang katre na ang tawag ay dalagan. Ayon sa Iluko-English-Tagalog Dictionary (Phoenix Publishing House, 1993) ni G. Greg Laconsay, yari ito sa kawayan na sinadyang ginawa para sa ‘agdalagan’. Med...