Anglem

Kailangan kong matupok nang palayasin ng aking usok
Ang mga kaluluwang madalas manindak sa mga ulap
Na aakap sana sa aming palayan; magluluwal sa mga bukal.

Hindi ka anglem bagkus isang laman; isa kang kalipunan
Ng libog, nasa at kapangyarihan na hinahangad din naman
Ng espiritung kinatatakutan mo, kantiyaw sa aking panaginip.

Ako ay basahan; at balahibo, madaling mapariwara sa buhawi
O kahit sa simoy lamang na sumasayaw sa ibabaw ng talahib
At kasing-anghang ako ng siling-labuyo sa angas ng ninanais.

Isa kang magsasaka at ang diwa mo ay kayumanggi, kaugnay
Ng lupang umiinog lamang sa putik at tigkal, at makabuluhan
Lamang kung nagnanasang sumibol ang binhi sa sinapupunan.

Walang paring magsasaboy sa iyong usok sa altar, pulpito,
Tabernakulo sapagkat nalalamang hindi ka magniningning
Sa langit— nanaisin mong magbalik sa pinagmulang lupa.

Ako nga ay lupa— at ang usok ay kaluluwang pag-aari ng ulap,
Kaisa ang liwanag na inaaalay sa takipsilim at ihahabilin ng gabi
Sa mga dahon, talulot at bubot, at sa balintataw ng mga sanggol.


Liwayway, Oktubre 1, 2007

A.S. Tabag

Comments

  1. masarapa na pulotan ang nilalaman.... ay, mayat nga ipabulon iti tapuy kunak koma, 'seng!

    ReplyDelete
  2. padaspadasen met no kua ti sabali a wagas ti panagdaniw, angkay. uray no awan pay pukrayna a basi, angkay, no masapul nga agbartek ti bagi, naimas lattan, haha! kunkunak pay ketdin ket kasla met la kulafu ti ramanna daytoyen. uray no digot' niog ti pagtibnok, madi latta. ngem ana pay ket masapul met nga atangan no kua ti mabisbisinan a kararua.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

VOICE TAPE

ARIEL SOTELO TABAG

KARAPOTE (UDPATED)