Posts

Showing posts with the label sanaysay

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2009

Paksang Diwa: “Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas” Mga Gawain/Aktibidad Gawad Surian sa Sanaysay 2009 Ang Gawad Surian sa Sanaysay 2009 ay timpalak sa pormal na pagsulat ng Sanaysay sa Wikang Filipino na magkatuwang na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino na kaalinsabay na ginaganap sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Layunin: Maitaas ang antas ng paggamit ng wikang Filipino sa pagsulat; Komprehensibong mailahad ang tema Tuntunin: 1. Bukas ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF. 2. Orihinal ang lahok, hindi salin sa ibang wika at hindi pa nalalathala. 3. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala ng pangongopya. 4. Ang manalo sa unang gantimpala nang nakaraang taon 2006 hanggang 2008 ay hindi maaaring sumali. 5. Ang paksa ng Timpalak ay “Wikang Filipino-Binhing sa Baler Nag-ugat, sa Buong Bansa’y Lumaganap”. 6. Ang lahok ...