Posts

Showing posts with the label Philippine Literature in Ilocano

SAMTOY: Dagiti Saritami Ditoy, Ang Aming Mga Kuwento

Image
NATAPOS din sa wakas ang "Samtoy," ang proyektong pagsasalin sa Tagalog sa labintatlong maikling-kuwentong Ilokano ng mga labintatlong kabataang manunulat na Ilokano (ang depinisyon ko sa kabataan ay 50 anios, pababa). Narito ang maiksing intro ko sa naturang proyekto: Mula Sa Tagasalin BUKOD sa Saluyot, na hango sa isang gulay na madalas ulamin ng mga Ilokano, Samtoy ang isa pang tawag sa mga Ilokano. Sa katunayan, Samtoy din ang isa pang tawag sa mismong wika ng mga Ilokano, bukod sa Iloko, Iluko at Ilokano. Mula ito sa pinaghalong “saomi ditoy” na ang literal na kahulugan ay “salita namin dito.” Sa proyektong ito, ang Samtoy ay “dagiti saritami ditoy” o “ang mga kuwento namin dito.” Kagaya ng iba pang mga panitikan sa Filipinas, maliban sa Panitikang Tagalog/Filipino, mabibilang sa daliri ang mga naisasaling akda ng mga Ilokano sa Ingles man o sa Filipino, ang Pambansang Wika. At ipinagmamalaki namin na bukod sa mga nasusulat sa Tagalog, ang mga nagsasalita sa I...