Posts

Showing posts with the label tagtuyot

Bangabanga

Image
Nagiging mainit ang langit— hindi alab ng pagtanggap— Bagkus pagngingitngit sa mabilis na pagsikip ng daigdig. Kaya’t paikut-ikot kaming lumilipad sa naghihingalong lawa, Sa natuyong batis, sa napakalalim na balon nang mahanap Ang busilak na pag-ibig ng tubig. Ang mga naagnas na dayami Ang saksi kung papaano tinakasan ng hamog ang lupit ng araw At papatunayang hanggang ngayon, sinusundan ang papalayong Bukal— palalo lang ang humihingi ng butil sa tigang na bukirin. Ngayong nakakulong ang mga bata sa kahon, magbubunyi ba At di na kami hinahampas ng sanga at binubulyawan ng “Hala, Layas, tutubing de malas!” o pinapainan ng langaw na idinikit Sa dagta ng mangga? Hindi na rin kami helikopter sa mga ina, Na sa tanghaling-tapat, magbubuga kami ng apoy at matitira Ang mga kalansay ng patakot na mananangis sa mga abo Ng uhay at dayami. Kami ay anino, o multo kaya, na sa utak Ng kabataan, maaaring hindi umiiral at walang kabuluhan. Di na maintindihan ng hangin ang aming wika at inilalayo kami S...