Posts

Showing posts with the label martilyo

Twinkle, Twinkle ni Saniata

PANG-FINISHING, kumbaga, itong pagkakabit ko nitong may kalakihang frame ng mga tumatakbong kabayo. Maaga akong bumangon sa Agosto 1 na iyon dahil may bisita kami. Maayos na lahat pati ang mga dalawang maliliit na Fortune na halaman sa vase na may tubig na inilagay ko sa maliit na table, at tatlong Welcome Plants na inilagay ko sa pahabang vase at inilagay ko sa may banyo. Mabalik tayo sa frame. Naipako ko na ‘yung isang concrete nail. At nang patapos na ang isa pa, itinodo ko na ng lakas ang panghuling pukpok. At, syet, tumama ang martilyo sa kanang hinlalaki ko! Wow, pare, ang sakit— gumagapang ang sakit mula sa hinlalaki papunta sa kilikili. At nang nakatuwad na ako sa sakit, nag-hysterical na naman itong si bunso, si Saniata. “Anib, kuha ka ng tubig, dali!” Oo, walang “kuya”. Gaya ng dati at nakagawian na, walang kibo itong si Anib na naglalaro na naman ng Plants & Zombies. Wala ding magawa itong si Hani na nagpapakana na ng pagluluto. Sabi ko naman sa kanya, itutuwad ko lang a...