Posts

Showing posts from April, 2008

Littugaw

Image
i. Hinalikan ang lupa, hiniling ang pagbabasbas ng hamog Bago namin binilang sa aming mga palad ang mga darating Na bukas. Nangako ang punla ng kapistahan sa dulang, Ng nag-uumapaw na tapayan, ng humahalakhak na kalan Sa mabuting balita ng kaldero. Kaya’t mananatiling lihim Sa dibdib ang agam-agam na magigising ang mga ulap Sa kanilang pagkakahimbing; matatangay ng baha ang pabrika Sa sikmura ng lupa; mahahalina ng amihan ang mga peste Na suwagin ang laboratoryong nakatanim sa bumbunan Ng mga kapitalista. Ibubulong ko: sumibol ka sa aking noo, Umusbong ka sa aking puson— makapagluwal lang ng talinghaga. Sinuyo ang kamangeg na magbalik sa palad ng mga batang Nagbabahagi ng kamusmusan sa pagsasapalay ng pawis at ngiti. Pinukaw namin ang dugo ng alak ng basi at apdo ng sawa; Nag-alay sa amin ang langgam, susuhong, bayawak, ibon At mga maiilap na hayup, silang tumatanaw sa aming pagsamba. Pinabaunan ng bigas ang ugaw na nangakong tatahan Sa mga bahaghari; ikinaway ang sandok sa buwan O k...