Santelmo
Sinusundan ng mga alitaptap ang bakas ng mga tala at buwan Di batid na umiikot na lamang sa paanan at sanga ng masukal Na talisay at balite. Sa malayo, napakarilag na tanawin sa dayuhan, Kislap na maggagabay sa isang manlalakbay. Ngunit anong Kabuluhan ang walang humpay at paulit-ulit na pag-ikot? Malayo na ang narating ng kadiliman mula nang burahin Ng santelmo ang babala ng pulang bakas ng tala. Kukurap-kurap Na lamang ang lupon ng mga bituin— walang nakababatid Sa senyal ng krus, sa bilog, sa tuwid na pagniningning. Kung bakit kasi sa marangyang kislap nahahalina ang mata. At ang kanilang ilaw ay parang munting tinig sa rumaragasang Baha, sa dumadagundong na kulog at nilalamon ng dambuhalang Lintik. Parang aureolang sinusuwag, tinatapakan ng mga bathalang Nag-uunahang maangkin ang korona ng araw at ipuputong Sa kalaliman ng gabi. Ay, hinahapo sila— nagdidilim, nalulusaw. Kailan nga ba may puwang ang maliliit na kagaya nila sa mundo Ng mga dambuhalang utak at imbensyong may mga ...