The Next Big Thing-A Chain Letter for Writers
Dalawang linggo na yata ang nakalilipas (tagal na pala) mula nang makatanggap ako ng private message sa FB mula kay Bebang Siy, ang awtor ng It’s A Mens World. May pinasasagutang set of questions tungkol sa nasulat at/o susulatin pang libro. Tapos ipapasa ko rin daw sa limang kakilala kong awtor. Pumayag ako kasi nakakahiya namang tanggihan ang mga kapwa manunulat lalo pa’t magkasama kami sa UP Workshop at siyempre naman, ang sikat-sikat na ni Manang Bebang, ang kapal naman ng mukha ko kung tatanggi pa ako.
(Siya nga pala, “manang” ang tawag ko sa kaniya mula noong malaman kong Ilokana ang kaniyang nanay, at tinatawag naman akong “adding”; ang “manang” ay ate sa aming mga Ilokano at ang “ading” ay tawag sa mas nakababata; nakakatuwa kasi mas matandan ako kay Manang Bebang.)
Noong sinabi niyang kailangan kong i-post ito sa aking blog, naalala ko na kaya pala niya tinanong minsan kung may blog ako.
Sabi ni Manang Bebang, mamimili ako kung 'yung nailabas ko nang libro o 'yung ilalabas ko pa lang na libro ang tatalakayin ko. Dahil wala pang katiyakan kung kailan lalabas ang susunod kong libro, ‘yung tungkol sa dalawa kong libro na nailabas ko noong 2011 ang babanggitin ko dito.
Ayun.
1) What is the title of your latest book?
Halos sabay itong Karapote, na koleksiyon ng aking mga kuwento sa Ilokano, at itong Samtoy, na koleksiyon ng mga kuwentong Ilokano ng labing-tatlong manunulat na Ilokano na sinalin ko sa Filipino.
2) Where did the idea come from for the book?
Itong Karapote, dahil nakasampung taon na akong nagsusulat sa Ilokano kaya inipon at pinili ko na ‘yung mga pinakagusto kong kuwento. Bale umabot ng labing-tatlong kuwento.
Itong Samtoy naman, work of love para sa mga kapwa manunulat na Ilokano at sa Panitikang Ilokano. Para may maiambag din kaming mga Ilokano sa Panitikang Filipino.
3) What genre does your book fall under?
Karamihan tungkol sa pagiging Ilokano. Lalo na itong Samtoy. Kung gusto mo may malaman tungkol sa mga Ilokano, magandang basahin ‘to.
4) What actors would you choose to play the part of your characters in a movie rendition?
Sa Karapote na ‘to. Dahil labing-tatlong kuwento ‘yun, labing-tatlong artista naman: Nash Aguas, Buboy Villar, Bea Alonzo, Zaijian Jaranilla (dalawang kuwento), Paulo Avelino, Vhong Navarro, Jiro Manio, Dingdong Dantes, Coco Martin, Ramon Bautista, Gerald Anderson, Tado.
5) What is the one-sentence synopsis of your book?
Labing-tatlong kuwentong tungkol sa mga Ilokano.
6) Who published your book?
‘Yung sa Karapote, GUMIL at ng asawa ko. ‘Yung Samtoy, tumulong ang NCCA.
7) How long did it take you to write the first draft of the manuscript?
‘Yung Karapote, 2003 ‘yung pinakaluma at 2010 naman ‘yung pinakabago. Naunang nalathala lahat ang mga ‘to sa Bannawag, ‘yung pangunahing magasin ng mga Ilokano.
Halos mga ganyang taon din nalathala ‘yung mga sinalin kong kuwento na napasama sa Samtoy.
8) What other books would you compare this story to within your genre?
Siguro, mga koleksyon ng kuwento na mula rin sa mga rehiyon.
9) Who or what inspired you to write this book?
Sa pagsusulat ng kuwento, mga Ilokano, siyempre, ang inspirasyon ko lalo na ng tatay ko.
Sa estilo naman, marami yata akong nasulat na parang John Steinbeck. Noong mga pahuli na, Alberto Moravia.
Sa paglilimbag naman, nainggit ako sa mga Tagalog na naglalabas ng libro. Sabi ko, kung halimbawa may 40 milyong Tagalog, siguro naman may 20 milyong Ilokano. Kaya kung may bibili sa mga aklat nila, may bibili rin sa amin. Saka para ma-inspire din ang mga iba pang mga Ilokanong manunulat na maglimbag ng libro, na maglimbag din ng kanilang mga akda na hindi lamang umaasa sa Bannawag para malimbag (ang mga ito).
Sa tingin ko, marami pang puwedeng sulatin tungkol sa mga Ilokano na hindi kailangang mailathala sa Bannawag. May mga Ilokano, sa tingin ko, na naghihintay ng kanilang babasahing Ilokanong libro. Ito sana ang matugunan naming. Kung kaya, parang eksperimentasyon din itong paglilibro ko.
Mabanggit ko lang pala na bihira sa aming mga Ilokano ang maglabas ng libro na mga Ilokanong akda. Siguro, mga isang daan titles palang ang nailalabas namin. Marami ito kung ikumpara mo sa iba pang mga rehiyonal na wika/panitikan. Pero kung ang target mo ay medyo sumabas sa agos ng Panitikang Tagalog, kakaunti talaga. Kaya ‘yun, sana mainggit namin ang mga manunulat na Ilokano sa paglilimbag ng libro, at ma-inspire naming ang mga Ilokano sa pagbabasa ng Ilokanong libro.
10) What else about the book might pique the reader’s interest?
Gaya ng nabanggit ko, tungkol sa kulturang Ilokano ang lahat ng mga kuwento sa Samtoy. Kaya kung naghahanap ka ng materyal, itong librong ‘to ang kasagutan.
‘Yung Karapote naman, may kumakalat na balita na nagugustuhan daw ng mga mambabasa ‘yung kuwentong Karapote (kaya ito rin ang napili kong pamagat ng libro).
Dahil nga pala sabi ni Manang Bebang na mas masaya kung mas maraming awtor mulang rehiyon ang mapasahan ko ng mga katanungan, heto ang limang mga awtor (apat na mga Ilokano at isang Cebuano) na pinagpasahan ko ng mga katanungan. Balikan niyo sila pagkaraan ng dalawang linggo:
Roy V. Aragon (dadapilan.com)
Joel B. Manuel (agbannawag.blogspot.com)
Sherma E. Benosa (bilingualpen.com)
Mighty C. Rasing (mightyrasing.com)
Richel C. Dorotan (itatanongkopalangangblogspot.comniya)
Comments
Post a Comment