Posts

Showing posts from August, 2022

VOICE TAPE

Image
VOICE TAPE   Kuwento ni ARIEL SOTELO TABÁG (Updated Version) Photo credit:  ask.metafilter.com NITONG pinakahuling bakasyon ko sa bayan kong Santa Teresita sa Cagayan, nanariwa ang alaala ko labingwalong taon na ang nakararaan—iyong taon na may nangyari kay Tito Ato, ang kapatid ni Nanay na sumunod sa kaniya.   Noong hinahanap namin ni Nanay ang mga sertipiko ng mga awards ko sa elementarya at hayskul para magamit ko bilang pampakapal ng credentials ko bilang titser sa Maynila, may ‘ibang bagay’ pa kaming nahanap.   Sabi ni Nanay, inilagay niya ang mga sertipiko sa lumang envelope bag na may markang LA na napanalunan niya sa pagkaskas ng balat ng nasabing brand ng sigarilyo. Nang mahanap at mabuksan namin ang bag, wala ang mga sertipiko.   Iyon   pala, nakarolyo at nakasilid ito   sa isa sa apat na piraso ng buho na pinaglagyan ni Nanay ng aming birth certificate . (Tatlo lang kaming magkakapatid at hindi na sila sumagad sa...