THE PEGASUS TOUCH
NAKAKAALIW naman itong Pegasus sa Quezon Ave.-- ang ibig kong sabihin, yung billboard nila sa labas. Nakasulat ang: "The Pegasus Touch, twenty years of touching generations". Ilang linggo o buwan na yata na nakikita ko ito. Subalit wala yatang pumapansin na may kapangyarihan (mga opisyal yan ng gobyerno). Dahil nakakabit pa, eh. Gusto ko sanang matanggal ito. Bastos kasi. Kapag tinagalog mo: "Ang Hipo ng Pegasus, dalawampung taon nang nanghihipo sa ating lahi". Pwede na ring kalalakihan yung lahi. 'Yan. Bastos sa akin 'yan. Syempre, nababasa yan ng mga inglisero't inglisero nating kabataan. Kaya gusto ko sanang matanggal. * * * Para consistent lang naman sana tayo. Kasi, pinatanggal ang ads ng isang alak na nakalaga: "Nakatikim ka na ba ng Quince?" Na ang ibig sabihin naman ay yung alak na pinatanda o pinasarap sa loob ng 15 taon. Para sa akin, hindi nga bastos yun. Kasi yung alak ang ibig sabihin. Kung sinuman an...