THE PEGASUS TOUCH




NAKAKAALIW naman itong Pegasus sa Quezon Ave.-- ang ibig kong sabihin, yung billboard nila sa labas. Nakasulat ang: "The Pegasus Touch, twenty years of touching generations".

Ilang linggo o buwan na yata na nakikita ko ito. Subalit wala yatang pumapansin na may kapangyarihan (mga opisyal yan ng gobyerno). Dahil nakakabit pa, eh.

Gusto ko sanang matanggal ito. Bastos kasi. Kapag tinagalog mo: "Ang Hipo ng Pegasus, dalawampung taon nang nanghihipo sa ating lahi". Pwede na ring kalalakihan yung lahi.

'Yan. Bastos sa akin 'yan.

Syempre, nababasa yan ng mga inglisero't inglisero nating kabataan.

Kaya gusto ko sanang matanggal.

* * *

Para consistent lang naman sana tayo.

Kasi, pinatanggal ang ads ng isang alak na nakalaga: "Nakatikim ka na ba ng Quince?"

Na ang ibig sabihin naman ay yung alak na pinatanda o pinasarap sa loob ng 15 taon.

Para sa akin, hindi nga bastos yun. Kasi yung alak ang ibig sabihin. Kung sinuman ang nag-isip na 15 yrs old na tao yun, siya ang bastos ang utak. Siya ang malaswa ang utak.

Dahil hindi saktong inihahambing ang babae sa alak. Dahil ang alak, sumasarap kapag pinapatanda. Samantalang, pumapakla ang babae kapag tumatanda.

* * *

Samantalang itong sa Pegasus, eh, ano pa bang ibang "hipo" ang gagawin doon?

Hindi naman yung "pegasus" na kabayo (na nasa lawaran natin sa itaas) ang manghihipo. Dahil wala namang ganyang nilalang, sa totoo lang.

O kaya, sabihin natin mag-iinum lang ang mga tao sa loob. E, bakit may "hipo"?

Tapos ang "hipo" na iyon, hindi gagawin ng mag-asawa o magsing-irog kundi ng lalaking mag-iinum na mayaman at nang mga babaeng nagtatrabho doon.

O, di bastos ang billboard sa labas na nagpapangalandakan sa paghihipuan ng dalawang babae at lalaki na wala namang relasyon?

#30

(Kung sisipagin ako, dadagdagan ko ito.)

Comments

Popular posts from this blog

VOICE TAPE

ARIEL SOTELO TABAG

KARAPOTE (UDPATED)