Twinkle, Twinkle ni Saniata
PANG-FINISHING, kumbaga, itong pagkakabit ko nitong may kalakihang frame ng mga tumatakbong kabayo. Maaga akong bumangon sa Agosto 1 na iyon dahil may bisita kami. Maayos na lahat pati ang mga dalawang maliliit na Fortune na halaman sa vase na may tubig na inilagay ko sa maliit na table, at tatlong Welcome Plants na inilagay ko sa pahabang vase at inilagay ko sa may banyo.
Mabalik tayo sa frame. Naipako ko na ‘yung isang concrete nail. At nang patapos na ang isa pa, itinodo ko na ng lakas ang panghuling pukpok.
At, syet, tumama ang martilyo sa kanang hinlalaki ko!
Wow, pare, ang sakit— gumagapang ang sakit mula sa hinlalaki papunta sa kilikili.
At nang nakatuwad na ako sa sakit, nag-hysterical na naman itong si bunso, si Saniata.
“Anib, kuha ka ng tubig, dali!” Oo, walang “kuya”.
Gaya ng dati at nakagawian na, walang kibo itong si Anib na naglalaro na naman ng Plants & Zombies.
Wala ding magawa itong si Hani na nagpapakana na ng pagluluto. Sabi ko naman sa kanya, itutuwad ko lang ang sakit at wala na.
Ayun, si Saniata na rin ang kumuha ng tubig. Pinainom ako.
Pero talaga namang masakit. Namimilipit ako sa may hagdan.
Hinahaplos-haplos ni Saniata ang likud ko. At saka kumanta.
“Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are”
Napapahagikgik ako. Alam n’yo yung impit na tawa na halatang may nararamdamang sakit? Ganu’n.
“Up above the world so high
Like a diamond in the sky”
Medyo bulol syempre si Saniata, palibhasa, tatlong taon lang.
Nang matapos ang “Twinkle, Twinkle”, humirit pa.
“Tila ibon kung lumipad/ Sumabay sa hangin/ Ako’y napatingin/ Sa dalagang nababalot ng hiwaga…
Medyo kabisado niya itong kanta ng Kamikazee gawa din ng “Darna” ni Marian. At nang matapos ang pagkanta, hinalikan niya ng marahan ang hinlalaki ko.
Men, kahit na masakit pa rin kahit konting dampi lang, parang nawala na rin ang sakit.
Ngayon, naiisip ko, kung sakaling gusto niyang mag-doktora, kahit igapang ko pa, magdodoktora itong si Saniata ko. (AST, Agosto 3, 2010)

Comments
Post a Comment