singko: para kay hanita

(wala mang mga bituin, di naman duling)

ayan, nakarating na tayo sa 5, bawas-bawasan na ang fight
ang iyong kapeng barako ay ilabas, nang maisawsaw ang aking patupat*

nawa’y di tumirik sa 15, ‘yan ang aking dalangin
tiyak ako’y mabibitin, kawawa ang unan sa akin

o kaya ‘wag namang sumagad sa 25, baka ang natitira kong angas
ala, e, maipandasal sa mga santo ng mindoro at batangas

kapag bumalandra sa 35, ako ang sisisihin mo kaagad
dahil tiyak sa ulong matigas, kolesterol at alak ang bumanat

ang pagtuntong sa 45, pagdiriwang na walang katumbas
retirado na ako niyan, may panahong mag-bihasa sa sining ng paghimas

di na ako mangangarap sa 55, di dahil sa reuma ako’y umaatras
malamang sa akin ang iyo nang tawag: ‘pare’ imbes na lab


*kakaning malagkit ng mga ilokano na hugis tatsulok na bilugan

ARIEL S. TABAG

Comments

Popular posts from this blog

VOICE TAPE

ARIEL SOTELO TABAG

KARAPOTE (UDPATED)