Window Shopping nina Hani at Saniata
NITONG Sabado, Hulio 31, naghatid kami ng isang kamag-anak sa may Sampaloc pauwing Cagayan, nina Hani at Saniata. (As usual, naiwan sa bahay si Anib at naglaro nang naglaro ng Plants & Zombies.) Pagkatapos nito, napagpasyahan naming pupunta muna ang aking mag-ina sa SM North, habang papapasok ako sa opisina. Half-day ako tuwing Sabado kaya’t hihintayin nila ako doon at sabay na kaming uuwi.
Nang nasa opisina na ako, tinawagan ako ng aking mag-ina at nalaman kong napakadami daw tao.
“Marami ding mabibili,” ‘ka ko dahil naalala kong nasa kalagitnaan ng tatlong araw ng 70% sale ang naturang SM branch.
Ang dami nga daw itinuturo ni Saniata. Ito namang si Hani, kung anu-anong dahilan.
Pagka-baba ng telepono, nagtrabaho na ako. Paminsan-minsan, tineteks ko ang aking mag-ina para kumustahin. Hanggang umuwi na rin ako. Para hindi na maantala, napagkasunduan naming mag-aantay na sila sa may harapan ng Trinoma.
Nasa dyip na kami nang magkuwento si Hani.
Pagkatapos daw nilang halos malibot ang buong SM, lumabas na sila—pumunta sa may Sky Garden.
Nagtatakad, nagdadabog itong si Saniata.
Saka namaywang.
At sa buong tining ng tinig: “Ano ka ba, Nanay? Pauwi na ba tayo? E, ang dami kong pinabibili, e, kahit isa, wala kang binili, a!”
Nagtinginan ang mga tao kay Hani.
Ang ending, nakabili sila ng hair band, hikaw, Pizza Hut na dalawang gayat, at McDo burger. (AST, Agosto 3, 2010)

Comments
Post a Comment