Ipagdiriwang ng NCCA ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubo sa pamamagitan ng Dayaw Festival: Buwan ng mga Katutubo 2010

Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo nitong Oktubre, ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining o National Commission for Culture and the Arts ang siyang mamumuno sa pagdadaos ng Dayaw Festival: Indigenous People’s Month 2010 sa Maynila. Ang pagdiriwang ay pasisimunuan ng NCCA Subcommission on Cultural Communities and Traditional Arts (SCCTA) at Ugnayang Pang-Aghamtao, Inc. (UGAT) sa pakikipagtulungan ng ilang ahensiya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan.

Ang pagdiriwang ay naglalayong tipunin ang mga grupong etnolingwistiko sa bansa para makilahok sa palitang kultural at pagtatanghal na nagtatampok sa mga makabuluhang uri ng pamumuhay ng mga katutubo sa lahat ng aspeto ng kultura at tradisyon. Ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation 1906 na nagtatadhana sa buwan ng Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubo.

Sa loob ng tatlong taong nakalipas, ipinagdidiwang na ng NCCA ang Indigenous People’s Month sa mga pangunahing rehiyon ng bansa. Noong 2007, sinuportahan nito ang Kalimudan: Pinaghi-usa sa Mindanao (Mindanao Indigenous People’s Gathering) na ginanap sa Davao City sa buwan ng Nobyembre na nagtatampok sa mga katutubong grupo ng Mindanao. Kasunod nito ang Timpuyog Indigenous People’s Month Celebration ng Luzon na idinaos sa Santiago City, Isabela, na nagtatampok sa mga grupo etniko ng Luzon at nagpakita rin sa kanilang mga pagtatanghal, arts and crafts, pagsasanay, mga lektyur sa pagpapaibayo ng kaalaman sa kultura, forums, tours at eksibisyon ng isang theme park na nagtatampok sa mgs tradisyonal na tirahan, yamang kultural, ritwal at kasanayan, orasyon, musika, awit at sayaw, kuwento, traditional arts and crafts at katutubong mga laro. Noong nakaraang taon, ang Indigenous People’s Festival ay ginanap sa Roxas City, Capiz at tinawag na “Dungog” na may kahambing na aktibidad at layunin.

Ang selebrasyon sa taong ito ay magtatampok sa mahigit 110 pangunahing komunidad kultural sa bansa. Sasamahan sila ng mga piling delegado mula sa anim na bansa na kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ang Dayaw Festival: Indigenous Peoples Month 2010 ay magtatampok ng mga interactive activities tulad ng mga pagtatanghal, eksibisyon, forum, kumperensiya, lecture-demonstrations at pagsasanay sa tradisyonal na arts and crafts at katutubong potahe, katutubong laro, at pagpapakita ng mga katutubong produkto na gawa ng mga katutubong manlilikha at alagad ng sining. Ang komperensiya na tinaguriang “Kalikhasan” ay siyang tutugon sa mga suliranin ng mga katutubo kasama ang mga lider ng IP ng Luzon, Visayas at Mindanao na dadalo sa pagtitipon. Magkakaroon din ng pagtatanghal ang limang unibersidad sa limang siyudad ng Metro Manila buhat sa Quezon City, Pasay. Pasig, San Juan, Manila at Makati sa temang, “Indayog ng Kalikasan.”

Ang festival ay siyang magbibigay-daan para sa mga katutubong tribu upang ipagdiwang ang yaman ng kanilang kultura; magkaroon ng palitang kultural na siyang magbubunsod sa mas malalim na unawaang pang-kultura nang panatilihin ang kultura ng kapayapaan, magbibigay-daan sa pag-uusap para sa karapatan ng mga katutubo; magkaloob sa mga mag-aaral at ibang tao ng pagkakataon upang palalimin ang kanilang kaalaman at pagpapahalaga sa kultura ng mga katutubo; kilalanin ang kagalingan at kontribusyon ng mga katutubong komunidad; upang maisulong ang pagpapanatili at integrasyon ng katutubong kultura sa pangunahing daloy ng kulturang pambansa.

Ipagdiriwang ang Dayaw Festival sa kooperasyon ng pamahalaang panlunsod ng Maynila, National Museum, National Commission on Indigenous Peoples, Department of Education, Department of Tourism, Department of Interior and Local Government, Department of Foreign Affairs, Commission on Higher Education at ng Office of Muslim Affairs.

For more details, contact Ms. Marichu Tellano, Chief of the NCCA Planning, Policy Formulation and Programming Division, at 527-2214; Renee Talavera, Head of the SCCTA Section, at 527-2198; or Rene Napeñas, Head of the NCCA Public Affairs and Information Office at 527-5529 or 0927-5582656. E-mail us at ncca.paio@gmail.com or visit our Web site at www.ncca.gov.ph.

Comments

Popular posts from this blog

VOICE TAPE

ARIEL SOTELO TABAG

KARAPOTE (UDPATED)