PANGARAP NG NAGLALAKBAY
I. Pagkain at Tubig
Hinahanap ko ang pagkain, ang kalipunan ng mga kanin,
karne, at gulay: ang mga bunga at ani ng pagyukod
ng mga bisig at paghahangad sa biyaya ng ulap at lupa
na pagkatapos ng pagdating bilang tugon sa panalangin
at pagtitiwala, kinanlong ng mga kaibaan1; minarkahan nila
ng ginto na maibubuod sa singsing at hikaw; dinamitan
ng piso. Hindi ko na makikilala ang pagkaing kabiyak
ng piging – paninda na ngayong pagkatapos mapalamutian
ng dolyar, nagtampo ang mga samyo, tibay at kasaganaan
na inapak-apakan ng sentimo; ngayon ay parang bakal
na tanging halaga ay ang bigat nito. Naiplato na ang pagkain
at naihanda sa salusalo ng mga puti, sanglay at singkit
sa mga merkado sa kanilang palad katulad ng pagkakaplato
ng aking mga atay, puso, utak at pangalan sa mesang
namarkahan ng sandaigdigan.
Hinahanap ko ang tubig, ang tubig na katangian ng ulap,
gubat at petalo na papawi sa hapdi ng tagtuyot, kakambal
ng hininga ng sanggol na pagkatapos suyuin ang pag-ibig ng labi,
inihian ng mga dugyot; hinamon nila ang ulap; ginapi ang gubat;
pinagsamantalahan ang petalo. Hindi ko na makikilala ang tubig
na kaluluwa ng luha – lason na ngayon na dumaluyong sa dugo
na pupukaw sa natitira pang lason na umiinog sa sikmura ng lupa.
II. Tahanan
Uuwi na sana ako kahit di ko na kakayanin ang paninilbihan
ng tiket, (nagbabaga ang petrolyo, nanigas nang ginto: naging abo
na ang mga barya sa aking bulsa) sapagkat nananabik
na akong makatabi sa paghimlay ang pagsuyo ng mga kuwento
ng mga ipinaghele nating bukang liwayway.
Danga’t di ko pa napigtas ang mitsa ng bomba na umaalsa
sa sikmura ng daigdig; wawalisin at itatago ko pa dito sa dibdib
ang mga butong natigpas sa mga tunggalian sa entablado at pulpito
at mga sanggol na dayuhan sa liwanag; hahanguin ko pa
ang mga gusgusin na tinatangay ng usok ng siyudad na karugtong
ng pabrika; itatayo ko pa ang tahanang yuyukuran, luluhuran,
dadapaan ng mga obispo, imam, maestro, babaylan na sasayaw
at aawit ng iisang himig; maghahandog pa ako sa mga bathala
at nawa’y babalik sila sa gubat, talon, ilog, dagat, parang, disyerto…
Uuwi na sana ako pero naisanla na ang pangalan ko sa aklat
na paglilimbagan ng pag-ibig…
III. Pag-ibig
Dinadangkal ko man ang oras sa mga gusali na nagpariwara
sa aking mga pangarap, tititigan ko sa kalawakan ang pagkakahabi
ng kislap ng buwan at mapapakinggan ko ang himig ng amihan;
matatagpuan ko ang tahanan sa pagsuyo ng dibdib. Mararamdaman,
oo, matitikman ko pa rin ang timyas ng halik ng hamog
sa mga bumukadkad na salamisim ng bulaklak, nadiligan man ito
ng pawis at luha at dugo sa mga pagyukod ng ulap para ipagkaloob
ang awa at biyaya ng dagat sa mga natuyong panaghoy ng uma
na pinagsayawan ng mga patpating patakot na siyang saksi
ng mga pamamaalam ng uhay na kumaway sa mga tagak.
Naiguhit na ngayon sa kalawakan ang mga daan at pilapil
kung saan ko sinukat ang mga hakbang patungo sa kasaganaan
ng uhay at kung saan ko binuo ang mga kataga ng lagaslas
at ihip ng dahon: isinilid ko ang mga nahulog sa isipan
upang pataba sa mga sisibol na pangako ng pagbabalik,
kagaya ng amang magkakaway ng kalupi2 sa bintanang kambas
ng mag-inang naghatid ng pag-ibig sa bawat paglisan…
Bubuhosan man ako ng maitim na ulan, sasalain ng palad
at bumbunan upang madiligan ang mga bukirin sa dibdib
sapagkat aalagaan ko pa rin ang mga sisibol sa puso
at ihahambing ko ang mga ito sa bawat buntung-hininga
ng ilog. Kagaya ng mga dahon, hinanap ko ang pook
na kinatatayuan ng kahoy na pinagtibay ng bagyo,
hinarana ng mga ibon, hinagkan ng amihan at tutubi,
inukitan ng pagsinta…
Sa pagdadalamhati ng gabi kahit nagliliyab ang siyudad,
kabesado ko pa rin ang mga sulok at eskinita ng puso
sapagkat nanahan na ang kislap ng buwan sa pananabik.
Lalakbayin ko ang mga tukso, bulyaw, alulong at panghi
ng pambansang abenida: kakapit ang lason
sa aking mga talampakan pero ipapagpag ko sa pintuan
ng katedral o santuwaryo nang mahimasmasan ang Diyos
sa bahong magbubulok sana sa puso at utak…
At uuwi na ako sa pagsuyo ng dibdib kung saan nahabi
ang kislap ng buwan at himig ng amihan.
(Ikatlong Karangalang Banggit, Gawad Komisyon Sa Tula-Gantimpalang Collantes, Abril 2006)

galing, galing, galing! kitaenyo dagiti ub-ubbing, dakayo a lallakay!
ReplyDeleteha,ha. thanks apong.
ReplyDeletesungbatko iti commentyo iti baba: wen, apong, agkaiwarada ket ti nakadadanag, kasla saanen nga agdanag dagiti umili nupay kankanayon nga imuesmuestra dagitoy a karasaen kada beklat iti rupa, iti gimong, iti amin a suli ti idatengda a kanibusanan. anian.
aggaoka pay garud a... di bale dikam mabsog iti innapuy basta mabsogkami iti taraon ti utek...
ReplyDelete