Kapag umalsa ang dugo
Sa lahat ng nasulat, mamahalin ko lamang ang isinulat ng tao sa pamamagitan ng kanyang dugo.
– Friedrich Wilhelm Nietszche
Baliw ako sa akala nila kung sasayaw ako sa mga kalsada,
magtatadek ako sa pagdating ng mga diyos ng pagsasalu-salo,
ang mga guro ng nararapat na pagsasalu-salo;
wika ng ating lakambini: wala nang ililimos na mumog
sa mga pulubi sapagkat nahimbing na sa kaloob
ng mga ebanghelistang butyog, ang nagsulat sa kanilang gutom
sa leksiyonaryo ng mga banal; inihayag sa mga bundok
at parang at lambak ang pinagsaluhang pighati
at sa pagdedebosyon nila sa katawan at dugo:
sila ang mga banal sapagkat sawa na silang siyasatin
ang halakhak ng kaibaan, ang bathala ng taggutom.
Baliw ako, ayon sa kanila, kung iipunin ko ang dugo,
ililimbag ko sa pader ang aking pangalan sapagkat pag-agos
ng pawis, luha o dugo ang kabayanihan; kinapon ako
nang gagapiin ko na sana ang mga kaaway ng pagdarahop,
tinalian ang ilong ko ng dolyar at gasolina at nagprusisyon ako
sa kanilang palad.
Baliw ako sa tingin nila kung sasapian ako ng espiritu
ng dugo ng mga magsasaka o mangingisda o piyon
sapagkat kabaliwan ang pula o kaluluwa ng ligaw;
hindi nagagapi ng piso o ginto o muleta.
Baliw ako sa kanilang akala kung magmamahal ako
sa dugo, ang dugong kabiyak ng hininga, kakambal ng puso
ng nagmamahal sa Diyos na darating at sasayaw
sa lansangan, tatadekan ang espiritu ng dugo
ng bundok, parang at lambak: magkakaisa
silang aagos sa dibdib ng daigdig.

Comments
Post a Comment