Relika ng Pilak
Ihahayag ko na kabanalan ang pagtitiis – tulad din ng pagkapako
sa krus – sa klawsura ng magkakapatong na abito, sotana,
at estola kung nagliliyab na ang daigdig…
Maninikluhod pa rin kayo at mangingislap ang mga balintataw
sa duguang rebulto – humalili siya sa inyong pagtangis
nang takasan kayo ng ulirat sa taggutom na ipinagkaloob
ng kaibaang kaanib ng mga uwak; parang ginintuang palayan
ang tingkad ng pangakong mabubuhay ng masagana
sa pagbaba niya sa kinasasadlakang krus – habang pinipiga ko
ang inyong mga luha at pawis upang magkahalong dugo na aagos
sa kaluluwang dayuhan sa alab ng lupa o habang minamasa ko
ang mga mumog at ipa na sinaid ninyo sa mga tapayan upang ostiya
na ipapalamon sa mga bathala na patron ng pamahalaan.
Dito sa pulpito, ipapaliwanag ko ang mga pangitain
ng mga mapupulang hapon na sumusunog sa pangako
ng bahaghari: nalalapit na ang pagkampay ng puting kalapati
na ang pakpak ay gintong kayamanan ng lahi. Patototohanan ko
na ang kuwaresma ay panahon ng pagtitiis sa hikahos
at pagkakabitak-bitak ng laman; pag-iisang dibdib ng mga hapis
ng bukang liwayway at luha ng dilim; pagkakalapag ng Bibliya
sa dulang at tatangisan ng mga balo at ulila sa gabing umiiling
ang mga patpating butiki.
Yuyukod ako at uusalin ang inyong mga dalangin: piging
sa dulang na nag-alay ng samyo at lasa; pagkahimlay sa abel
na naburdahan ng pananahan; pagkasaboy ng hamog
na magkakanlong sa busilak na ngiti ng umaga.
At saka ilalapat ang biyaya sa dila ng mga pinunong naghandog
ng papel na tutugon sa suliranin ng mga pundidong ilaw,
bulok na sasakyan, gutom na tiyan at puson, sagradong utak
samantalang ihahabi ko kayo sa lilang lino na tumatalukbong
sa simbahan at iguguhit kayo sa leksiyonaryo ng mga banal.
Maghuhugas ako ng agua bendita nang malunod
ang mga kilabot at sindak at agam-agam sa dibdib.
Patawad…

agyamannak kabsat ti panangi-linkmo kadaydiay blogko.
ReplyDeleteinlinkko met daytoy blogmo. sapay ta ad-adu ti makasurot kadaytoy panagaramid ti blog ta di laeng a datayo ti umay met maniburay ti adda nga im-imeten ti panunot ken barukong...
umayakto manen sumirpat ditoy...
wen, la, bagis.
ReplyDeleteay, manong, dios ti agngina. kas kunak, paratignaykayo a pangamaen. barbareng makpudpudno met latta datao, a.
ReplyDeleteplease get your novel from linda b, up press. imbatik kenkuana, saanen a kenni joel ta maar-arakattot kadaytay depensana idi.
ReplyDeletenaimbag a gasat kenka.
bro kongrats!
ReplyDeletehoy lakay jake, finalistka iti sarita, kuna ni dr acas ti komisyon. umaykanto iti awarding no agosto 31 iti philippine columbian, plaza dilao, paco, manila. alas nuebe agingga iti alas dose ti programa. maysa kano ti mabalin nga itugot.
ReplyDeletenakongkongratska pay!