Adios
Kailan ko ba didilaan ang aking mga paa?
Nakababagot ang laging nagmumukmok
Sa mga magiginaw na kawali at palayok.
Kung may darating, iaalok mo ba ang pilay
Na monoblock? O ang lumalagitlit na katre?
Pupunasan mo pa ba ang sahig na sinalaula
Ng dugong naglambitin sa panti’t palda
At putik ng madaling-araw na basang-basa ka,
Humahangos, umiiyak? Binabalaan kita:
Ang ipapansaping dyaryo ay inaagnas
Ng amag at alikabok. Wawalisin mo ba
Ang mga pira-piraso ng salaming parihaba
At mga abo ng sinunog mong larawan?
Narinig mo ba ang babala ng sirena
O wala kang pakialam sa ambulansiya
At sasakyang nambobomba sa apoy
Ng eskuwater, at dibdib ng mga aktibista?
Nasaksihan mo ba nang lamunin ng amain
Sa kapit-kuwarto ang baong dinuguan at puto
Ng dalagitang tinuruan mong magbilang ng bituin
At kislap ng silangan sa bawat eskinita patungo
Sa kalsadang binabagtas ng mga bayani at dakila?
Nais mo ba ang pagbalot sa iyo ng kadiliman—
Di mawari na sa pakiwari ko ay parang sakit
Na sasaliksikin pa lamang ang kaukulang lunas?
Di saklaw ang paghaba ng aking buntot at balahibo.
Patuloy ang pagtalas ng aking mga ngipin at kuko
Ngunit nagiging manipis ang kaibhan ko sa iyo.
Paalala lang bago ka umalis at maglagalag—
Ako’y gutom, lagi. Ayoko namang ipagkanulo
Ng sarili kong bait sa masikip mong silid.

Comments
Post a Comment