Rebultong Dayuhan

susubukan nga kitang kausapin
sa wikang pareho tayong banyaga

at kailan ka nga ba nanirahan sa daigdig
na pumutol sa taling nagdudugtong
sa puti at itim, nagtampok sa haring
gumapi sa mga bathala at alipin
at hayup, umakap sa mga hayup din
sa telebisyon, nangakong ipagdadamot
ang pagkain sa panahon ng taggutom
at itatago ang ilog pagsapit ng pagkauhaw;
nanindi sa siga na magpalalagablab
sa nunal ng talampakan at magbubuyong
sasayaw sa himig ng tunggalian: sasalungatin
ang mga bangis at galit ng tinggang hinimok
ng mga heneral; naglapat ng imahen ng diyos
sa patakot na ang kalansay ay sibat at baril
at bininyagan ng kaluwalhatian at sagradong
sandata ng langit?

at kailan nga ba nila ako pinatahan sa daigdig
na kumutya sa bulag at pipi, isinampal
ang palad na pinalambot ng aircon at kimika
at nanghubad sa mga salawal ng mga bata
at matatanda; nang-ihi sa mga ilog at sapa,
saka inihayag na kalinisan ang pagtunaw
at pagsunog sa mga eskuwater; nanlunok
sa mga bundok at gubat, ika’y ang pagkabusog
ay paghahalo ng kaluluwa sa kislap ng siyudad;
naglibing sa mga matatalino, propeta, guro
saka iminudmod ang aming mukha sa pahinang
kinasadlakan ni rizal o pinagpugutan ng gomburza
at pinalakpakan ang pagdidiskurso ng kinatawan
na naglilok ng kanyang pangalan sa pilipinas
na monumento din naman ng mga dugo at pawis
at luha naming ibinulsa niya; nagkait
ng hangin at tubig sa katulad kong alikabok?

ano nga ba ang kulay ng bahagharing pag-ibig?

iiwanan ko sana itong mga basura
sa paanan mo. hindi na, ‘pagkat sa pagtalikud ko,
mananatili kang rebulto.

ARIEL S. TABAG
Villa, Sta. Teresita
3512 Cagayan

Comments

  1. inhomelifemo kad daytoy, 'seng?

    mayat kunam man, diuli!

    ReplyDelete
  2. Oh-0h, another loss of the ilokano lit. but hell, move on and go on. find that voice.

    ReplyDelete
  3. ah, asseng aya, uhum, manarep dita palanca daytoy!

    he he, madanagan ni mang ariel. dika madanagan manongmi, kasta ti kinaversatile dagiti disipulosmo. Immalada iti siglatmo!

    ReplyDelete
  4. haha, kaka, amangan no madida kayat ti kasta dagiti anggalog

    apong ariel, bulbulodek tay dangadangyo ken mang tony, barbareng maaringan datao a makitinnakiagan kadagiti al-alia ditoy filipinas, hehe

    asseng

    ReplyDelete
  5. ala, itiratay' latta man bareng abak-abakentay' dagita nga angalog a dicipulos ni national ta-artits rio alma!

    ReplyDelete
  6. wen ngarud apong numona ket mangal-alian no nobiembre daytoy sinal-it nga evat. ala, ket iti tunggal pannakaep-ep a naibinggas kadagita a yelo, iramramannakami koma.

    kaka rva, barbareng a no malusotan koma daytay grupoda, hehe. kunkunak ngarud ken kaka joel a lalaingentayo tapno addanto tultuladen dagiti sumaruno, hehe, joke.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

VOICE TAPE

ARIEL SOTELO TABAG

KARAPOTE (UDPATED)