Salip iti Daniw ti Talaang Ginto, silulukaten


Agawaten ti Komisyon sa Wikang Filipino kadagiti pakisalip iti salip iti daniw ti Talaang Ginto: Gawad Surian sa Tula-Gantimpalang Antonio Laperal Tamayo 2011.

Adtoy ti padamag ti nasao a komision:

Tumatanggap na ang Komisyon sa Wikang Filipino ng mga lahok para sa timpalak sa Talaang Ginto: Gawad Surian sa Tula-Gantimpalang Antonio Laperal Tamayo 2011.

Ang timpalak ay bukas sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.

Ang lahok ay kailangang isang (1) tula na orihinal na nasusulat sa Filipino, maaaring may sukat at tugma o nasa anyo ng malayang taludturan. Malaya ang paksa at walang takdang haba.

Bawat lahok ay kailangang may apat na kopyang makinilyado o kompiyuterisado, may dalawang espasyo sa bond paper na may sukat na 8 ½” x 11.”

Ang mga magwawagi ay tatanggap ng kanilang gantimpala gaya ng sumusunod: Una, P20,000.00 at titulong Makata ng Taon 2011; pangalawa, P15,000.00; pangatlo, P10,000.00 at tropeo bawat isa. Tatanggap din ang tatlong magwawagi ng karangalang-banggit ng P5,000.00 at plake bawat isa.

Ang lahok ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa: Lupon sa Tula 2011, Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St. San Miguel, Manila.

Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa Marso 11, 2011. Para sa kumpletong Tuntunin at Pormularyo, bisitahin ang www.kwf.gov.ph.

Para sa iba pang detalye, tumawag sa KWF tel. 736-2519 o 736-0315.

Comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. pwede po bang magtanong? Kung manggagaling po ako ng LRT PUREZA station sta.mesa , manila . Ano po bang sasakyan ko para makapunta sa nasabing lugar para makapagpasa ng tula?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

VOICE TAPE

ARIEL SOTELO TABAG

KARAPOTE (UDPATED)