Ang Amang Hindi Naghuhugas
Ang Amang Hindi Naghuhugas
Kuwento ni Anib Miguel C. Tabag
Itinipa ni Ariel S. Tabag
MAY isang amang ang pangalan ay Ariel na tamad na tamad maghugas. Kaya galit na galit ang asawang si Honey.
Kung saan-saan pa naman nagpupunta si Ariel. At kahit duming-dumi, di pa rin naghuhugas.
Isang araw, natulog siyang hindi na naman nagsa-shower. May nakita ang kanyang anak na lalaki na ang pangalan ay Anib.
“Bulate!” sigaw ni Anib.
Pero hindi pinansin ni Ariel. Kasi tulog na siya.
Narinig ng asawa niyang si Honey at ang anak niyang babae na si Ania ang sigaw ni Anib. Kaya pumunta sila sa kuwarto at sabi ni Honey, “Ano ka ba? Binubulate ka na, a!”
“Hindi kasi naghuhugas si Tatay!” sigaw ni Ania. “Kadiri!”
Nagising si Ariel. At ang sabi niya, “Ngek!”
-The End-
(Maraming mga kuwento si Anib, ang aming panganay na anak na edad 5, na madalas hindi ko naisusulat at nakakalimutan. Sa pagkakataong ito, naitipa ko kaagad dahil hindi lamang ako yung "bida', kundi nagkaroon na ng oras. Ang "bulate" ay malamang "uod" ang ibig ipakahuluhan ni Anib, subalit hindi ko na pinalitan para makatutulong na magbigay ng authenticity itong kuwento, na likha ni Anib, at hindi ko siya ipinagsulat. Ang "the end" ay napulot din nila ni Saniata sa akin na ginagamit kong pangwakas sa mga story-telling sessions namin. Maraming salamat po.--Ariel)

galing-galing, a!
ReplyDeletethanks, tanud
ReplyDelete