Otso

paikut-ikot ang mga gamu-gamo
sa ilaw ng walong poste
na gabi-gabi namang nasisindihan
at hindi ko matantiya kung kailan
ang katapusan
sapagkat wala akong kapangyarihang pundihin
o patayin ang kuneksyon ng kuryente

hindi kagaya ng lampara
o ng kandila na maaaring mamatay
sa sandaling magpatiwakal
kahit isang gamu-gamo
o sa oras na maubos ang gas
o maagnas ang kandila

natatantiya ko lamang
kung kailan ako paririto
at aalis
at magpabalik-balik ang aking paningin
sa walong poste
na gabi-gabing nasisindihan
darating man ako
o hindi,
o kahit sa gabing umuulan
at nagkubli ang mga gamu-gamo
sa mga bitak nitong naglalakihang pader

Hulyo 12, 2011


"Enigma Without End" ni Salvador Dali.

Comments

Popular posts from this blog

VOICE TAPE

ARIEL SOTELO TABAG

KARAPOTE (UDPATED)