Abiso
Kahalintulad ng kamatayan, tiyak nga lang kung dumating
Sa katapusan. Parang listahan ng kasalanang di mawari
O gustong kalimutan— hindi maintindihan kung bakit
Ang isa ay mas mataas sa mga iba. Pero iisa ang intindi ko:
Ang bawat nais ay may halaga at masaklap na ang bawat
Kailangan ay patuloy sa pagtaas at ayaw nang magpaabot pa.
Tumatambad sa pintuan at ipapaalalang hindi na nagagawi
Ang amihan kaya’t lumalakas ang hampas ng electric fan.
Tuliro na kaya ang utak kaya’t napapasarap sa tele-dramang
Pangungutyaan ng mas mababaw na dahilan ng pag-iyak
O kaya’y nawawala ang problema kung dinadatnan ng nasa
Sa ibinibilad na katawan? Madalas na ba ang pag-init ng ulo
At naglalagok, naliligo ng malamig na tubig? Kung patay
Naman ang ilaw sa araw, gumagapang ang kadiliman
Ng kapaligiran at ang lahat ng maiitim na saloobin at isipin
Ng kapitbahay ay kumakatok sa pintuan, nangangalampag
Ng bintana, naglalakad sa bubungan— nagsasadaga
At nagsasaipis. Peste! Dumadami pati ang peste sa dibdib.
Maaaring hindi sinisiyasat ang bawat numero kung nagsasaka
At nabubuhay sa nayon— napagtatantong walang saysay
Ang labing-apat na taon sa paaralan kung abala ang kapitalista
Sa pagsasaliksik sa pinakamabilis na paraang pagdadala sa banko
Sa mga utak at pawis ng manggagawa at ang tanging pangarap
Ng politiko ay gawing siyudad ang pook ng mga taong payak.
Mas madali sa akin ang maghapong pag-aararo, pagtatanim
Kaysa hati-hatiin ang suweldo ng misis mula sa napakalaking mall:
Nasa’n ang pandagdag nang mapantayan ang halaga nitong babala?
Karapatang-ari ni Ariel S. Tabag
Enero 22, 2008

Comments
Post a Comment