Buwan ng Wikang Pambansa 2009
Paksang Diwa:
“Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas”
Mga Gawain/Aktibidad
Gawad Surian sa Sanaysay 2009
Ang Gawad Surian sa Sanaysay 2009 ay timpalak sa pormal na pagsulat ng Sanaysay sa Wikang Filipino na magkatuwang na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino na kaalinsabay na ginaganap sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Layunin:
Maitaas ang antas ng paggamit ng wikang Filipino sa pagsulat;
Komprehensibong mailahad ang tema
Tuntunin:
1. Bukas ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF.
2. Orihinal ang lahok, hindi salin sa ibang wika at hindi pa nalalathala.
3. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala ng pangongopya.
4. Ang manalo sa unang gantimpala nang nakaraang taon 2006 hanggang 2008 ay hindi maaaring sumali.
5. Ang paksa ng Timpalak ay “Wikang Filipino-Binhing sa Baler Nag-ugat, sa Buong Bansa’y Lumaganap”.
6. Ang lahok ay apat (4) na kopyang makinilyado o kompyuterisado (Font 12 – Garamond), doble ang espasyo sa 8 ½ x 11 na bond paper na may palugit na dalawang (2) pulgada sa kaliwa, at isa (1) sa kanan, itaas at ibaba.
7. Isang (1) lahok lamang ang maaaring isumite na walang pagkakakilanlan kahit sagisag-panulat. May hiwalay na pormularyo sa paglahok na makukuha sa tanggapan ng KWF o sa website nito na www.kwf.gov.ph. Maglakip ng hiwalay na resume at isang (1) 2×2 colored picture at ipaloob sa saradong brown envelop kalakip ang lahok.
8. Ang lahok ay madadala ng personal. Kung sa koreo o courier ipapadala, kailangang may tatak ito ng petsa sa o bago ang deadline sa Agosto 3, 2009 ganap na ika-5:00 ng hapon.
Ang gantimpala ay salapi at plake sa una hanggang ikatlo salapi at sertipiko sa karangalang banggit.
Unang gantimpala P20,000.00
Ikalawang gantimpala P15,000.00
Ikatlong gantimpala P10,000.00
Tatlong (3) karangalang-banggit P 5,000.00 (bawat isa)
9. Lahat ng sasali ay tatanggap ng Katibayan ng Paglahok.
10. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di maipaghahabol. Lahat ng mga lahok ay pag-aari ng KWF at angkin ng tanggapan ang karapatang mailathala ang mga ito na walang tatanggaping royalty ang may-akda.
11. Mangyaring isumite ang lahok sa:
SANGAY NG IMPORMASYON
Komisyon sa Wikang Filipino
Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel Street
Malacañang Palace Complex
San Miguel, Maynila
Tel. Blg. 736-38-32

Comments
Post a Comment